Lungsod ng Angeles (Official Page)

TULONG BALIK-TAHANAN

Posted on January 23, 2025 by Admin

TULUNGAN NINYO KAMING SILA’Y MAKAUWI — MAYOR CARMELO “POGI” LAZATIN JR.

Sa kasalukuyan, may 91 na mentally-challenged individuals ang nasa pangangalaga ng Angeles City Government, sa ilalim ng Integrated Mental Health Program ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr.

Ang mga mentally-challenged individual ay tila itinapon o naligaw at pakalat-kalat lamang sa siyudad kung kaya’t nananawagan po si Mayor Lazatin sa publiko na kung may nawawala po kayong mga kamag-anak o kakilala ay maaari po kayong makipag-ugnayan sa Gender and Development Office (GAD) at City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa numerong 0935-211-7513.

Karamihan po sa mga nasabing mentally-challenged individual ay mula sa ibang lugar o karatig-bayan kaya gumawa ng programa si Mayor Lazatin para sila ay lingapin at mapanatiling ligtas pati na rin ang mga Angeleño.

Base sa record ng GAD, 78 na mentally-challenged individuals ang nasa Shelter of Goodwill Health Services sa Magalang, Pampanga habang 13 naman po ang nasa St. Claire Psychiatric Homecare sa Bacolor, Pampanga.

Mula po sa 208 na indibidwal na nakaadmit sa healthcare facilities, 109 katao na po ang nadischarged at naiuwi sa kanilang pamilya ng CSWDO sa iba’t ibang parte ng Pilipinas habang walo naman po ang sumakabilang-buhay na at ipinalibing ni Mayor Lazatin sa public cemetery ng Angeles City sa Barangay Sapalibutad, sa kadahilanang walang kumuha o walang kamag-anak ang nakipagugnayan para kuhanin ang mga bangkay nila.

Matatandaan po na sinimulan ni Mayor Lazatin ang Integrated Mental Health Care Program noong 2019, kung saan ay nirerescue po ng siyudad ang mga mentally-challenged individual na naglalagi sa daan at pinapagamot ng libre.

Humihingi po ng tulong ang Angeles City Government upang makita o malocate ang kanilang mga kamag-anak o kakilala.

Muli po, kung kakilala niyo po ang mga nasabing mga indibidwal, makipagugnayan lamang po sa tanggapan ng GAD at CSWDO sa numerong 0935-211-7513.

Hangad po ni Mayor Lazatin na maiuwi sa kanilang pamilya ang mga nasabing indibidwal.

Maraming salamat po!

Share this article

Copyright © . All Rights Reserved. | City Government of Angeles | Information And Communication Technology Division (ICTD)