Angeles City Barangays

Barangay Pampang

Historical Background

Ang barangay Pampang ay may kalahating kilometro mula sa kabayanan ng Angeles. Nakapaligid dito and mga subdivision tulad ng Timog Park at Villa Rosario. Noong panahon ng mga kastila, tahimik ang lugar na ito, madalang ang mga bahay at walang kuryente. Ang mga tao dito ay nanggaling sa ibat-ibang pook ng Pampanga na naghanap ng matitirhan. Ito ay kanilang nagustuhan at nilinis ng bawat pamilya ang kani-kanilang bakuran. Wala pang pangalan ang lugar na ito noon na nasa pagitan ng dalawang sapa. Sa paligid ng Sapang Balen sa mismong likuran ng kapilya ay maraming puno ng akasya.

Ang pook na ito ay tinawag na Sto. Nino dahil ito ay ang patron ng pook na ito. Matagal ding panahong taglay ng barangay ang pangalang ito na nagsimula nang may nakitang naglalakad na bata na may hawak na bola.

Mula noon ang tubig na batis na pinamalagian nya ay nagsilbing gamot sa mga may sakit. Ayon sa mga tao, ito ay isang himala. Ang pook na ito ay naging tanda para sa mga naghahanap ng lugar ay ang nakaugaliang sagot sa mga nagtatanong sa lugar ay "Pampang".

Ayon naman kay G. Hilario Matta, isa sa mga naging Tinyente del Baryo noong 1982-89, ang unang naninirahan sa barangay ay si Hilario Dalusung mula sa Apalit. Nang marating niya ang lugar, maraming punongkahoy na baliti, calumpit, canas, timbu, biga-biga at antipolo. Ang sumunod na dumating ay si Jose Panganiban mula Concepcion, Tarlac at nakapag-asawa ng baluga o aueta, na sinundan ng pamilyang Guzman, Guila at Garcia na mula Sasmuan.

Pinagyaman nila ang lupa at nagtanim ng mga mais, kamote, beans at palay na pinakahuling tanim.

Noong 1941-1944 sa panahon ng ikalawang Digmaang pandaigdig, halos lahat ng tao sa barangay ay lumipat sa ibang lugar, kaya ng dumating ang mga amerikano sa Pilipinas, ang kabuuang bilang ng mga tao ay 4,500 lamang.

Sa ngayon ang baryo ay maunlad na, ang kabuuang populasyon noong 1992 ayon sa CPDO census ay tumaas sa 7,914. Ang barangay Pampang ay isa sa mga pinakamalapit na barangay sa Clark Air Base. Ang lawak ng lupain ng barangay Pampang ay 444 hektarya.

Ang barangay Pampang ay may 8 purok kasama na rito ang Villa Rosario (Purok 7), may extension Purok 4B, 5B at 6B, may mga subdivision din na nakapalibot dito: Timog Park Homes, Timog Park Subdivision, Friendship Plaza, Villa Manuela, Emerald Classic at Robinsons Subd.


Demographic Profile

  • Total Population — 19,953
  • Households — 4,637
  • Schools (Public / Private) :
    • Kinder / Preparatory School :
      • Pampang Day Care Center
      • Pampang Elementary School
    • Elementary School :
      • Pampang Elementary School
    • High School :
      • Angeles City National High School
    • College :
      • City College of Angeles
  • Health Service Centers :
    • Hospital :
      • Ospital Ning Angeles
      • Britania Medical Center
      • PRI Medical Center
    • Barangay Health Center :
      • Brgy. Pampang Health Center
    • Rural Health Center :
      • Purok 4B Sub Health Center

Environment

  • Total Land Area — 444 Hectares

Organizations

Barangay Council

  • Punong Barangay Luis D. De Luna
  • Brgy. Councilor Carlos P. Dela Cruz
  • Brgy. Councilor Ramoncito L. Pangilinan
  • Brgy. Councilor Roberto R. Palad
  • Brgy. Councilor Reynaldo P. Gustillo
  • Brgy. Councilor Myrna O. Lee
  • Brgy. Councilor Reynaldo G. David Jr.
  • Secretary Lloyd G. Balatbat
  • Treasurer Nova M. Martinez

Barangay Health Workers

  • Francisca Halili
  • Fredeswinda Pangilinan
  • Lorna Valencia
  • Josefina Mendoza
  • Leonida Ayson
  • Susana Intal

Barangay Tanod

  • Chief Francisco Lopez
  • Orlando David
  • Salvador David
  • Amado Oguin
  • Amalia Tayag
  • Bakie Pacasum
  • Bukhary Antap
  • Edgardo Sigua
  • Erlinda Plata
  • Florencio Pangilinan Jr.
  • Frederick Miranda
  • Jestoni Dayrit
  • Jose Hernandez Jr.
  • Joselito Liwanag
  • Marcelia Morales
  • Mario David
  • Melchor Nulud
  • Nelson Lapuz
  • Orlando Samora
  • Randy Devera
  • Rolando Calma
  • Romeo Rodriguez
  • Ronnie Brazil
  • Salvador Dela Cruz
  • Urbano Matta

Lupong Tagapamayapa

  • Head Marcelo Cura
  • Marites Gayola
  • Bonifacio Dayao
  • Allan Capulong
  • Ernesto Supan
  • Fernando Mallari
  • Mocabe Samad
  • Rafael Manalang
  • Renato Rivera
  • Ruben Sun Jr.
  • Semeon Galang
  • Lorenzo Dizon
Angeles City Local Government - All content is Public Domain