Angeles City Barangays

Barangay Mining

Historical Background

Sa silangan bahagi ng lungsod ng Angeles matatagpuan ang isang maliit na lugar na kilala ngayon sa pangalang Barangay Mining. Mula sa kanyang pagkakatagtag noong 1891 ang mga unang tao ditto ay nanggaling sa lungsod ng San Fernando lalung lalo na sa Barangay Calulut. Ang lupang nasasakupan ng Barangay Mining ay nakarehistro pa sa ilalim ng Barangay Capaya at Sto. Cristo. Ang hangganan ng Barangay Mining sa hilaga ng Barangay Pandan, Barangay Capaya at Tabun sa silangan, Barangay Sto. Cristo at Salapungan sa kanluran at Barangay Pulungbulu sa katimugan. Ang kabuuang sukat ng lupa pangresidensyal. Ang kabuuang populasyon ay 3,066.

Ang Barangay Mining ay binubuo ng walong (8) purok. Marami ang nagtatanong kungh bakit Mining ang nagging pangalan nito. Dahil marami bang mina ito? Ayon sa impormasyong nakalap mula sa dalawang matanda na ipinanganak sa panahon ng mga kastila (Juan Tuazon at Osmundo Tuazon) ang pangalan Mining ay halaw sa pangalan ng isang napakataas at napakalaking puno na ang tawag ay kamuning nasagana ang buong lugar noon. Sa katagalan ang kamuning ay naging Mining na lamang dahil sa hirap bigkasin ng mga kastila ang salitang kamuning.

Sa simula’t simula, ang lugar na ito ay nahahati sa apat na bahagi. Mula Purok 1 hanggang Purok 4 ay tinawag na Dulungan(Bungad), ang isang bahagi ay tinawag na Telasilid(ngayon ay Villa Siete sakop ng Sto. Cristo) dahil parang silid na nakahiwalay sa iabang bahagi ng Purok 5 ngayon ay tinatawag na Caldera sa lugar na ito at ang Purok 6 naman ay ang Barrio Mining proper noon.

Ang pangunahing kabuhayan noon ay pagsasaka ng palay, tubo, at sari saring gulay. Pawing masisipag ang mga naninirahan dito kaya sila ay sagana sa pagkain. Walang ibang trabaho dito kundi pagsasaka. Ngunit kaalinsabay ng pag unlad ng lungsod ng Angeles sabay din ngh unti unting pag unlad ng Barangay Mining. Ang mga magsasakang nakinabang sa pagpapatupad ng CARP (Agrarian Reform Act) ay nakapagpaaral ng kanilang mga anak at ito ang simula ng panibagong pamumuhay sa Barangay Mining. Maraming naka pag trabaho sa labas ng barangay at malaki ang naging pag unlad nito. Sa ngayon ang buong barangay road ay sementado hanggang sa hangganan ng Bayan ng Mexico at Lungsod ng San Fernando. May sariling eskwelahan sa elementary, 90% ng pamamahay dito ay konektado sa Angeles Water district, 100% ay may koneksyon sa kuryente ng mga bahay, may dalawang linya ng telepono (Datelcom at Digitel), may dalawang resort at maunlad na Metro Gate Subdivision ay sakop din ng Barangay Mining. Walang duda ang pagunlad ng Barangay Mining ay tuloy tuloy na.


Demographic Profile

  • Total Population — 3,066
  • Households — 459
  • Schools (Public / Private) :
    • Kinder / Preparatory School :
      • Mining Day Care Center
    • Elementary School :
      • Mining Elementary School
    • High School :
      • Dominican School of Angeles City Foundation Inc.
  • Health Service Centers :
    • Hospital :
      • Rafael Lazatin Memorial Medical Center
    • Barangay Health Center :
      • Mining Health Center
    • Rural Health Unit :
      • Angeles City Rural Health Unit 5

Environment

  • Total Land Area — 113.73 Hectares

Organizations

Barangay Council

  • Punong Barangay Hon. Ceferino T. Nunag
  • Brgy. Councilor Hon. Evangeline E. Torres
  • Brgy. Councilor Hon. Juanito L. Jimenez
  • Brgy. Councilor Hon. Crisanto G. Cortez
  • Brgy. Councilor Hon. Renato B. Lansangan
  • Brgy. Councilor Hon. Rodrigo T. Nunag
  • Brgy. Councilor Hon. Edgardo R. Zamora
  • Brgy. Councilor Hon. Leonida S. Zamora
  • Secretary Charmaine Z. Espergoza
  • Treasurer Eddie D. Lacson

Barangay Health Worker

  • Midwife Portia C. De Guzman
  • BHW Melanie B. Ledason
  • BNS Josefina D. Nunag
  • BSPO Ruby Ana P. Bautista
  • Day Care Worker Djhoana D. Lacson

Purok Leader

  • Adela T. Dayrit
  • Norma T. Lacson
  • Maureen M. De Leon
  • Carmelita S. Ramos
  • Alma S. Jimenez
  • Maria O. Salazar
  • Rowena D. Tinio
  • Julieta T. Sahugan

Lupong Tagapamayapa

  • Zaldy M. Cordero
  • Ramon P. Catanghal
  • Conrado O. Dayrit
  • Orlando T. Nunag
  • Benjamin S. Nunag
  • Patricio T. Dalusong
  • Jose M. Salunga
  • Ponciano O. Dayrit

Bantay Bayan

  • Eduardo G. Abordo
  • Brinx Mark Wilson A. Nunag
  • Eduardo T. Fernandez
  • Alex B. Hernandez
  • Mario T. Nunag
  • Rual T. Nunag
  • Domingo S. Tuazon
  • Reymond N. Castro

Others

  • Ex-O Bienvenido G. Sahagun
  • Debuty Bonifacio T. Dizon
  • Investigator Emmerino G. Nunag
  • Electrician Joseph T. Dalusung
  • Utility Worker Pascual G. Gozun
Angeles City Local Government - All content is Public Domain