Angeles City Barangays

Barangay Ninoy Aquino

Historical Background

Ang Mirasol village ang pinakaunang subdivision na naitayo noong 1965 na nagsisilbing tirahan ng mga sundalong Americano na nakabase sa loob ng Clark Air Base na humigit kumulang na 1.5 kilometro lang ang layo nito. Ito ay dating Purok 5 – B na bahagi ng Barangay Pandan.

Natatangi ang Marisol Village na matatagpuan ang mga magagandang bahay na may mga swimming pool at sikat noong panahong yon dahil sa pagpuntahan ng mga artista na naka helicopter pa sa Mirasol Manor Club Hotel and Restaurant sa 3rd St., Fernando Hide Away Club sa Yale St., Paulines Residence Riverview St. at iba pa.

Sa paglipana ng mga pagpapatayo ng mga subdivision na mas malapit sa Clark, Air Base tulad ng Diamond Subdivision, Don Pepe Subd., Josefa, Plaridel, Villasol, Clarkview Sta. Maria, Mt. View at iba pa na nasa paligid nito ay tuluyan ng nagsilipat ang sundalong Amerikano sa mga nasabing subdivision at sa usapin narin ng seguridad nila. Ito rin ang nagsisilbing tirahan ng mga tanyag na mga profesionals (Doctors, Dentists, Lawyers, Teachers, Nurses, Engineers, Architect, Educators, Entrepreneurs, Businessmen, Artists, Migrant Workers, Overseas Filipino Workers (OFW) at mga opisyal at empleyado ng gobyerno, at karamihan halos ng mga bahay na itinayo ay para sa mga Social Security System holder.

Noong 1972, 42 araw at gabing tuluy tuloy ang ulan, bahagi nito ang Marisol Village ay naapektuhan ng baha mula sa tabing Abacan River ang 6th St, 7th St. at Riviera St. pagkatapos ng malaking pagbaha nag umpisanang tinirhan ng mga informal settlers ang tabing ilog at ganon na rin sa iba pang kalyetulad ng 5th St. at 4th St. na napabayaan ng mga may ari ng lupa na sa tingin nila ay nasa delikadong lugar ang mga ito.

Ganon na rin ang bahaging lugar ng Marisol Village na tinatawagna Bliss Site na may sukat na 2 hektaryang lupa na inumpisahan ding tinirhan ng mga maralitang lungsod noong 1985 at noong 1997 ipinamahagi ng mga nakatira nang local na pamahalaan sa pamumuno ni Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan (1992-1998) na dating tumira ditto sa Barangay noong naging Angeles City Vice Mayor (1988-1992) pa siya.

Sa pagkapaslang ng dating Senador Benigno Jr. noong 1984 at matapos ang Edsa Revolution na nagpatalsik ang diktaturang US-Marcos noong 1986 at sa ilalim ng dating pangulong Corazon C. Aquino(1986-1992), nagkaroon ng petisyon at plebisito ang mga residente ng Marisol Village sapanahon ng pamamahala ng dating Angeles City Mayor Antonio Abad Santos(1988-1992), ito ay matagumpay na naihiwalay sa Barangay Pandan at naging ganap na Barangay na ipinangalan sa Martyr Senador Benigno (Ninoy) Aquino Jr. sa mababang kapulungan ng kongreso noong 1988.

Aktibong lumahok dito ang nakatira sa lugar ng mga maralita kaya naging ganap na matagumpay ang plebisito at ang pagkatayo ng Barangay Ninoy Aquino. Kahit wala silang titulo sa lupang kanilang tinitirahan naging bahagi sila sa pamahalaan ng Barangay.

Sa unang pagkakataon nagkaroon ng kauna-unahang halalan ang Barangay Ninoy Aquino noong Mayo 1989 at unang pinamahalaan ni Ginoong Marcelino Bondoc bilang nahalal na kauna-unahang punong barangay at ipinagpatuloy ni kauna-unahang Barangay Kagawad Abelardo C. Pamintuan.

Sa pangunguna ni Abelardo C. Pamintuan Jr. bilang gumanap na Punong Barangay ng Ninoy Aquino (1992-1994) sa maikling panahon na ito, sinikap ang pagkakaroon ng lugar, ang maliit na Barangay Hall, Baskeball Court, Playground, Park at Day Care Center sa loob ng bahaging lupain ng Emilio J. Valdez Tubercolosis Pavilion Compound sa pamamahala ng Philippine Tubercolosis Society at ng Quezon Institute.

Ito rin ang panahon ng pumutok ang bulkang Pinatubo na may humigit kumulang 200 pamilyang naapektuhan na sakop ng barangay Ninoy Aquino. Pinangunahan din niya ang pagtatayo ng mga pansamantalang Evacuation Site tulad ng Jao Compound, TB Pavilion Compound sa Dr. Gregorio Abelardo Drive bahaging kalye ng Marisol, at nailipat ang karamihan sa mga Resettlement Sites sa Epza Pulung Cacutud ,Pandan Citicenter, Sapalibutad at Pandaki ng National Government sa pamamagitan ng Mount Pinatubo Commission at ng Local Government Unit.

Sinundan ito ni Punong Barangay Marciano De Ocera 1994-1997, at Punong Barangay Benjamin Paras 1997-2007 na sa panahong ito ay napaalis ang mga pasilidad ng Barangay sa loob ng nasabing lupain sa pagpasok at pag angkin ng Angeles University Foundation sa katauhan ni Atty. Emmanuel Y. Angeles na hipag ng dating Angeles City Mayor Carmelo Tarzan Lazatin (1998-2007) na ngayon muling Congressman ng First District of Pampanga (1989-1988) at (2007-2013).

Hindi nabigyan ng katwiran at katarungan ang paggamit ng Barangay sa nasabing lupain sa loob ng 20 taon nitong pinaunlad ang lugar sa kabila ng walang tinutukoy na open space and subdivision na ayon sa batas dapat may isang lote at bahay ang AUF para sa lipatan ng Barangay Hall at Day Care Center sa Vanderbilt St. Marisol Barangay Ninoy Aquino.

Nailipat naman ang AUF at ng Lupaho ang humigit kumulang 300 pamilyang Informal Settlers sa loob ng Pavilion Compound sa Sapalibutad Relocation Site na dinonate ng AUF sa City Government. Samantala ang natitirang 84 pamilya ay sinampahan sila ng kasong unlawful detainer sa Municipal Trial Court Branch ng Angeles University Foundation. Binaba ang hatol ni Judge RTC para sa kanilang ejectment at demolition noong December at January 2011.

Sinundan ito ng pamamahala ni Ginoong Reynaldo Pamintuan 2007-2010 at sa ngayon sa pamumuno ni Kg. Rico S. Dizon (2010-2013) bilang Punong Barangay na kasalukuyang pinamahalaanan.

Muli taong 2008, sa pagadami ng populasyon ng barangay sa Tabing Ilog, mahigit 80 pamilya ang nabiktima ng pagbaha mula sa Abacan River at pansamantalang nanirahan sa dating Jao Compound na ngayon at Jaoville Realty Development Corp.

Sa kasalukuyan, ang Barangay Ninoy Aquino ay may nasasakupan ng humigit kumulang 400 Informal Settlers at natatanging barangay nawalang open space para sa playground, park, at basketball court at iba pang mahalagang pasilidad na dapat pinakikinabangan ng mahigit na 15,300 na populasyon nito. Umaabot na ito sa 5,734 na rehistradong botante sa 33 botohan na presinto.

Noong 2010, naupong kapitan si Rico Dizon, at sa kanyang pamumuno nagkaroon ng kauna-unahang ulat sa barangay, subalit hindi natapos ni kapitan Dizon ang kanyang termino dahil siya ay sumakabilangbuhay taong 2012, at ang umupong kapitan ay si kagawad Eduardo D. Badong, dahil sa siya ang unang kagawad at nagkaroon ng halalan noong nakaraang Oktubre 2013 at sikapitan Eduardo D. Badong ang nanalong kapitan, at patuloy ang kanyang pagseserbisyo publiko sa mamamayan ng Barangay Ninoy Aquino.


Demographic Profile

  • Total Population — 15,525
  • Households — 3,000
  • Schools (Public / Private) :
    • Nursery School :
      • Blooming Fields
    • Kinder / Preparatory School :
      • Holy Spirit Day Care Center
      • St. Benedick
    • Elementary School :
      • Marisol Bluss Elem. School
  • Health Service Centers :
    • Barangay Health Center :
      • Brgy.Ninoy Aquino Health Center

Environment

  • Total Land Area — 160 Hectares

Organizations

Barangay Council

  • Punong Barangay Hon. Eduardo Badong
  • Brgy. Councilor Hon. Oscar Feliciano
  • Brgy. Councilor Hon. Robert Tullas
  • Brgy. Councilor Hon. Salvador Pineda
  • Brgy. Councilor Hon. Jake Halili
  • Brgy. Councilor Hon. JC Castro
  • Brgy. Councilor Hon. NicanorOcampo
  • Brgy. Councilor Hon. Reynaldo Pamintuan
  • Secretary Mr. Reyna Pamintuan
  • Treasurer Ms. Gilbert Adduru

Barangay Tanods

  • Chief Jerry Del Rosario
  • Members Angelito Torres
  • Rafael Sacarias
  • Javier
  • Willie Aloba
  • Sito Cruz
  • RollyMangune
  • Fernando Cayanan
  • Jesus David
  • Jonathan Lacsa
  • Arsenio Arojo
  • Cesar Samson
  • Edwin Agapito
  • RolanMardicer

Barangay Health Workers

  • NelyBerdaje
  • Fe Nieves
  • Sheryl Vilalnueva
  • Sham Bognot

Lupong Tagamapayapa

  • Head Merlinda R. Calo
  • Members Clarita Fernandez
  • Lorna Bautista
  • Sherly De Guzman
  • Belle San Buenaventura
  • Elizabeth Alejandro
  • Marissa Villapana
  • Victor Tupaz
  • Oliver Nicolas
  • Viilamor Nicolas
  • AngelitoMangune
Angeles City Local Government - All content is Public Domain